MANILA, Philippines – Pumayag na ang China na pumalaot sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal sa West Philippine Sea (WPS) ang mga mangingisdang Pinoy matapos ang pakiusap kamakalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Ayon kay Abella, bagaman napapayag ang China na bigyan nang kalayaan ang mga Pilipinong mangingisda na pinipigil na makapangisda sa sariling teritoryo ng Pilipinas, hindi pa niya alam ang eksaktong petsa para sa malayang pangingisda ng mga Filipino fisherman.
Sa media briefing sa Malacañang, sinabi ni Abella na mismong si Pangulong Duterte kamakalawa ang nakiusap sa Chinese government na huwag ituring na kaaway ang mga mangingisdang Pinoy bagkus ay ituring itong mga ‘kapatid’ at payagang makapangisda sa Panatag Shoal.
Nagkausap mismo sina Pangulong Duterte at Chinese Ambassador Zhao Jinhua noong Biyernes at ipinaabot ng pangulo ang kanyang concern tungkol sa mga mangingisda.
“That’s exactly one of the things na inilapit yata ng Presidente to treat our people not as enemies, that let us not be adversaries but instead that we’re friends - parang gano’n to allow them to be able to fish. “There are maybe kinks in the relationship; there is a positive opening. There is a window of opportunity,” he said. “I don’t know about the exact [date] kung pwede na, but nailapit ‘yan at sabi naman nila, oo,” dagdag pa ni Abella.
0 comments:
Post a Comment