Ibubunyag daw ng umano'y drug lord na si Kerwin Espinosa ang "malalaking" opisyal na sangkot sa drug trade sa bansa



Ayon kay C/Insp. Jovie Espenido, nakasaad ito sa sinumpaang salaysay ni Mayor Espinosa at sa ledger na isinumite nito sa prosecutor’s office ng Albuera, Leyte.
Tumanggi na si Espenido na magbanggit pa ng ibang pangalan sa listahan ni Espinosa subalit kinumpirma nitong may kasama ring heneral ng PNP at gobernador sa naturang listahan.

Sinabi ni Espenido na naisumite na nila sa pamunuan ng PNP ang affidavit ni Espinosa at sila na ang magpapasya kung kailan ito isasapubliko.
Bahagi ng pahayag ni Albuera PNP Chief Jovie Espenido:
“Nasa kuwan kuno Sunstar ba ‘yun, ‘yung si Leila De Lima ba ‘yun? Huwag na ako, ikaw na lang magsabi Lex, mag-Oo lang ako. Kitang-kita at sinabi din ni Mayor. Kaya sa akin naman hindi puwedeng sabi-sabi lang maggawa ng affidavit to prove, ‘yan ang recommendation natin, ‘di naman pwedeng magsabi-sabi ka lang ng tao pagkatapos walang proof.”
Ayon kay Espenido, may tatlo pa silang hawak na testigong magpapatunay sa mga isiniwalat ni Espinosa sa kanyang sinumpaang salaysay.
Nasa proseso na aniya sila ng paggawa ng affidavit ng sekretaryang naglista sa record book ng mga binigyan nila ng drug money, ‘yung taong nag-deliver ng drug money at isang accountant.
Sinabi ni Espenido na magkaiba ang ledger na isinumite ni Espinosa sa blue book na una nang nabunyag na naglalaman ng mga tumatanggap ng drug money.
Ayon sa bahagi ng pahayag ni Albuera PNP Chief Jovie Espenido, “Nagpe-prepare na kami na magpa-notarize ng mga salaysay ng tatlo na mag-collaborate sa unang salaysay niya, Mayor pa rin siya ngayon, wala tayong hold na pagbawalan siyang magsalita, na ipuwersa siya kasi wala pang warrant of arrest, siguro kapag may warrant of arrest na baka nandun na ‘yung mga hinala na baka pinuwersa ito.”

Bahagi ng pahayag ni Albuera PNP Chief Jovie Espenido

(“Nasa kuwan kuno Sunstar ba yun, yung si Leila De Lima ba yun? Huwag na ako, ikaw na lang magsabi Lex, mag-Oo lang ako. Kitang-kita at sinabi din ni Mayor. Kaya sa akin naman hindi puwedeng sabi-sabi lang maggawa ng affidavit to prove, yan ang recommendation natin, di naman puwedeng magsabi-sabi ka lang ng tao pagkatapos walang proof.”)

Ayon kay Espenido, may tatlo pa silang hawak na testigong magpapatunay sa mga isiniwalat ni Espinosa sa kanyang sinumpaang salaysay.

Nasa proseso na anya sila ng paggawa ng affidavit ng sekretaryang naglista sa record book ng mga binigyan nila ng drug money, yung taong nag-deliver ng drug money at isang accountant.

Sinabi ni Espenido na magkaiba ang ledger na isinumite ni Espinosa sa blue book na una nang nabunyag na naglalaman ng mga tumatanggap ng drug money.

Bahagi ng pahayag ni Albuera PNP Chief Jovie Espenido

(“Nagpe-prepare na kami na magpa-notarize ng mga salaysay ng tatlo na mag-collaborate sa unang salaysay niya, Mayor pa rin siya ngayon, wala tayong hold na pagbawalan siyang magsalita, na ipuwersa siya kasi wala pang warrant of arrest, siguro kapag may warrant of arrest na baka nandun na yung mga hinala na baka pinuwersa ito.”)

Mayor speaks

Pinangalanan na ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa ang mga kasabwat at protektor umano ng kanyang anak na si Kerwin Espinosa na sinasabing pinakamalaking drug lord sa Eastern Visayas.

Ayon kay Espinosa, nasa 30 indibidwal ang binanggit niya sa kanyang affidavit subalit hindi muna ito isinapubliko ng Albuera Municipal Police.

Kasabay nito, muling nanawagan si Espinosa sa kanyang anak na si Kerwin na sumuko na sa mga awtoridad.

Iginiit naman ng alkalde na wala siyang kinalaman sa mga iligal na aktibidad ng anak na sinasabing pinakamalaking drug lord sa Eastern Visayas.

Samantala, nanawagan din si Mayor espinosa sa mga kasamahan ni Kerwin na sumuko na rin sa Albuera Municipal Police.

“I don’t know the Espinosas”

Samantala, mariing pinabulaanan ni Senator Leila De Lima na personal niyang kakilala si suspected drug lord Kerwin Espinosa at ama nitong si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ginawa ni De Lima ang pahayag matapos lumabas ang isang larawan kung saan kasama niya rito si Kerwin.

Binigyang diin ni De Lima na posibleng kuha ang naturang larawan noong campaign period.


Giit naman ni Albuera Chief of Police Chief Inspector Jovie Espenido, kasama ang nabanggit na picture sa affidavit ng matandang Espinosa.

Share on Google Plus

About Melq

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments:

Post a Comment